top of page
Search

Gluten Gossip: Alamin Kung Ano Ang Gluten Intolerance!

Updated: 2 days ago


Ang iyong bloating at pagkapagod ay maaaring senyales ng hindi balanseng bacteria sa iyong tiyan at bituka.


PSSST: Ano ba ang Gluten?


Ang gluten ay isang uri ng protina na makikita sa pagkain. Madalas itong matagpuan sa mga grains gaya ng trigo (wheat), sebada (barley), oats, at rye, pati na rin sa grain hybrids tulad ng triticale. Ibig sabihin, maraming pagkain at inumin—tulad ng tinapay, pasta, pansit, sawsawan, at kahit beer na paborito ng maraming Pinoy para sa mga handaan at pulutan—ay may gluten! Maaari rin itong matagpuan sa mga bitamina, gamot, at maging sa makeup at cosmetics.

Karamihan ng mga tao ay walang problema sa pagkain ng gluten; ngunit may ilan na nagkakaroon ng reaksyon dito. Ang mga taong ito ay maaaring may gluten intolerance, celiac disease, o allergy sa wheat.


Teka mga peeps, bakit ngayon ko lang narinig ang tungkol sa gluten?


Mas nagiging kilala na ang gluten ngayon dahil sa mga sumusunod na bagay: 

  1. Sa impluwensya ng Western diet na puno ng processed food at pagkaing gawa sa tinapay.
  2. Dahil sa mga celebrities na pumipili ng gluten-free na diet at ibinabahagi ang kanilang mga lifestyle choices sa social media gaya ng Facebook at Tiktok.
  3. Sa dumaraming studies tungkol sa gluten sensitivity na madaling makita at mabasa sa internet.
  4. Sa pagdami ng mga nadadiagnose na may celiac disease at gluten sensitivity.
  5. At huli, sa mas maraming gluten-free na produkto na mabibili na ngayon sa ating mga tindahan.

Dahil sa lahat ng ito, mas nagiging mulat ang mga doktor at ang publiko tungkol sa gluten


Ano ba ang pagkakaiba ng Gluten Intolerance, Celiac Disease, at Wheat Allergy?


Sakop ng gluten sensitivity ang iba’t ibang sakit, kabilang ang celiac disease, gluten intolerance (kilala rin bilang non-celiac gluten sensitivity o NCGS), at wheat allergy. Ang mga sumusunod ang mga pinagkaiba nila.


  1. Celiac Disease - Isang kondisyon kung saan ang immune system—na dapat ay nagpoprotekta laban sa mikrobyo—ay nagkakamali at itinuturing na masama ang gluten. Dahil dito, nagkakaroon ng pamamaga at nasisira ang lining ng small intestines, na nagiging sanhi ng hirap sa pagsipsip ng mga mahahalagang sustansya mula sa pagkain. Tinatayang nasa 1–4% ng tao sa buong mundo ang may ganitong sakit.
  2. Gluten Intolerance (Non-Celiac Gluten Sensitivity, o NCGS) - Mas karaniwan kaysa sa celiac disease at may halos kaparehong mga sintomas, ngunit hindi nito sinisira ang lining ng small intestines. Ang sanhi ay maaaring hindi mismo gluten kundi ang mga carbohydrates na tinatawag na FODMAPs na pwedeng makita sa mga ilang pagkaing may gluten. Napatunayang nakatutulong ang gluten-free diet upang gumaan ang pakiramdam ng mga taong may ganitong kondisyon.
  3. Wheat Allergy - Ang wheat allergy ay nangyayari kapag sobra ang reaksyon ng immune system matapos kumain ng pagkaing may trigo (wheat). Maaari itong magdulot ng mga problema sa tiyan na kahawig ng mga sintomas ng celiac disease o gluten intolerance, o mag-trigger ng allergic reactions tulad ng hives. Makakatulong ang pagkain ng gluten-free na pagkain dahil wala itong wheat, pero hindi kailangang iwasan ang ibang butil gaya ng barley at rye, kahit may gluten din ang mga ito.


Ilang porsyento ba ng mga Pilipino ang may Gluten Intolerance?


Walang gaanong impormasyon kung ilan ang taong may gluten intolerance dito sa Pilipinas, pero mas kakaunti ito kumpara sa North America at Europe. Itinuturing itong bihira sa maraming bansa sa Asya, kasama na ang Pilipinas. Dahil sa iba’t ibang dahilan—tulad ng tumataas na kaalaman tungkol sa gluten intolerance, pagpasok ng Western diet sa Pilipinas na mataas sa gluten, at ang kahirapan sa pag-diagnose ng gluten intolerance, dumarami na rin ang mga Pilipinong bumubuti ang pakiramdam nila matapos umiwas sa gluten.


Ano ba ang mga kalimitang palatandaan at sintomas ng Gluten Intolerance?


1. Kumonsulta ng doktor. Ikuwento ang medikal na kasaysayan at ipagawa ang pisikal na pagsusuri.

2. Sagutan ang SARC-F questionnaire. Ito ay mga tanong tungkol sa lakas, paglakad, pagtayo, pag-akyat sa hagdan, at pagkakadapa. Kung ang puntos ay 4 pataas, may indikasyon ng sarcopenia at kailangan ng mas malalim na pagsusuri.

3. Susunod ang tests tulad ng handgrip strength test, muscle mass measurement, gait speed analysis, pati na mga imaging tulad ng DEXA at BIA para masukat ang kalamnan at taba.

Ang diagnosis ay base sa presensya ng mababang muscle mass at mababang lakas o mababang physical performance—ayon sa European consensus.


Paano nalalaman ng mga doktor kung ang isang tao ay may Gluten Intolerance?


  1. Ikaw ay maaaring pakainin ng iyong doktor ng pagkaing may gluten sa loob ng anim na linggo. Sa panahong ito, maaari kang kuhanan ng mga blood tests, skin tests, at biopsy upang makita kung ikaw ay may wheat allergy o celiac disease. Wala pang simpleng test upang maitukoy agad kung ikaw ay may gluten intolerance sa ngayon.
  2. Kung ikaw ay walang wheat allergy o celiac disease, maaaring ipayo ng iyong doktor na umiwas ka muna sa pagkain na may gluten sa loob ng anim pang linggo. Sa panahong ito, dapat mong obserbahan at itala kung may pagbabago o ginhawa sa iyong mga sintomas.
  3. Kung bumuti ang iyong pakiramdam matapos umiwas sa gluten, maaaring ipasubok ulit ng doktor na kumain ka nito upang makita ang iyong reaksyon. Kung bumalik ang iyong mga sintomas, malamang ay mayroon kang gluten intolerance. Maaari kang irekomenda sa isang gastroenterologist o allergy specialist upang mas matiyak ang diagnosis.


Ano ang puwedeng kainin o inumin kung ikaw ay may Gluten Intolerance?


Mahalagang maintindihan na wala pang lunas para sa gluten intolerance. Ngunit, karamihan sa mga tao ay gumagaan ang pakiramdam kapag umiiwas o binabawasan nila ang pagkain nila ng gluten. Makakatulong ang isang dietitian upang makagawa ng masustansiya at balanseng diet kahit wala ang gluten. Maaari ka ring magtanong sa iyong doktor tungkol sa pag-inom ng probiotics, na maaaring makatulong bawasan ang sintomas ng kabag, pag-utot, o hirap sa pagdumi.

 Ang iba pang puwedeng gawin ay ang mga sumusunod:
  • Iwasan ang "Big 3" Grains tulad ng wheat, barley, at rye na karaniwang nasa tinapay, pasta, kakanin, at serbesa.
  • Maging Mapanuri sa Processed Foods. Maraming processed meats (hotdog, ham), de-lata, at sawsawan (soy sauce, gravy) ang may "hidden gluten."
  • Pumili ng Natural. Ang mga sariwang prutas at gulay ay gluten-free kaysa sa mga frozen o de-latang bersyon.
  • Suriin ang mga gamot. May mga gamot na gumagamit ng gluten bilang binder, kaya mainam na kumonsulta sa doktor o pharmacist.
  • Ingat sa Cross-Contamination. Basahin nang maigi ang labels at ihiwalay ang mga gamit sa kusina (plates, toaster) para hindi mahalo ang gluten sa iyong pagkain.



Mayroon bang mga gluten-free na pamalit sa mga pagkain sa Filipino diet?


Maraming masasarap na gluten-free na pagkain ang matatagpuan sa Pilipinas. Kabilang sa mga pangunahing staples ang kanin, mais, kamote, at cassava. Mainam ding gamitin ang mga alternatibong harina tulad ng niyog, bigas, tapioca, almond flour sa pagluluto. Maraming lokal na kakanin 5rtfa ng biko, suman, at bibingka ang gluten-free basta’t walang wheat flour. Para sa protina, mayroon namang itlog, karne na walang taba at hindi processed, isda, at manok na walang timpla o rekado. Ang mga low-fat dairy products tulad ng gatas at yogurt ay mainam din basta’t hindi processed.

Bukod dito, mas mahal din kadalasan ang mga hinanda o processed na gluten-free na pagkain kumpara sa mga karaniwang pagkain na pinalitan nila, kaya maaaring tumaas ang gastos sa pamimili ng pagkain.


Mga karaniwang tanong tungkol sa Glucose Intolerance


Q1: Pareho lang ba ang celiac disease sa gluten intolerance? 

Magkaiba sila. Ang celiac disease ay isang autoimmune disorder.  Ang ibig sabihin nito ay inaatake ng immune system ang katawan dahil napagkakamalan nitong masama ang gluten. Maaari itong makasira ng bituka. Sa kabilang banda, ang gluten intolerance ay maaaring magdulot ng kahalintulad na mga sintomas sa celiac disease, ngunit hindi ito nakakasira ng bituka. Maaaring hindi mismong gluten ang sanhi ng gluten intolerance. Gayunpaman, ang pag-iwas ng gluten ay nakatutulong pareho sa celiac disease at gluten intolerance.


Q2: Mas nakabubuti ba sa kalusugan ang gluten-free diet?

Walang ebidensya na ang gluten-free diet ay mas malusog para sa katawan. Sa katunayan, may ilang pag-aaral na nagsasabing maaari pa itong magpataas ng panganib ng hyperglycemia o Type 2 diabetes, pagdagdag ng timbang, at high blood pressure dahil kadalasang mas mataas ang asukal, sodium, at taba sa mga processed na gluten-free na pagkain. Kapag natanggal ang lahat ng gluten sa diet, maaari ring mawalan ng masustansiyang whole grains, fiber, at mga micronutrient gaya ng B vitamins, iron, at magnesium.


Q3: May gluten ba ang kanin? 

Sa kabutihang-palad, ang kanin ay natural na walang gluten! 



Mahihirapan ba akong mag gluten-free diet dito sa Pilipinas?


Medyo mahirap ang pagiging gluten-free dito sa Pilipinas dahil maraming sikat na pagkaing Pinoy gaya ng pancit, lumpia, siopao, at pandesal ang may gluten. Ngunit, unti-unti na ring dumadami ang mga gluten-free na pagkain sa mga lokal na tindahan at kainan, kaya posible pa ring mag-enjoy ng masarap na pagkaing Pinoy habang umiiwas sa gluten.


Kailan dapat magpakonsulta sa doktor kung pinaghihinalaang mong ikaw ay nagkaka-reaksyon sa gluten, gaya ng Gluten Intolerance, Celiac Disease, o Wheat Allergy?


  • Paulit-ulit na hindi maipaliwanag na problema sa tiyan, gaya ng pagtatae, pananakit ng tiyan, pagsusuka, kabag, at pag-utot, lalo na kung lampas na ng dalawang linggo.
  • Pamamaga ng mga parte ng katawan o pag-hirap sa paghinga kapag nakakain ng pagkain na may gluten. 

  • Pagbagal ng paglaki (lalo na kung bata).

  • Matagal at palagiang pagkapagod.

  • Hindi sinasadyang pagpayat.

  • Malalang o paulit-ulit na singaw sa bibig.

  • Hindi maipaliwanag na anemia dahil sa kakulangan ng iron, o anemia dahil sa kakulangan ng vitamin B12 o folate.

  • Type 1 diabetes.

  • Autoimmune na sakit sa thyroid, kabilang ang sobrang hina ng thyroid (hypothyroidism) o sobrang aktibo ng thyroid (hyperthyroidism).

  • Irritable bowel syndrome (IBS) (sa matatanda).

  • Mayroon kang first-degree relative na may celiac disease (gaya ng magulang, kapatid, o anak). 



Buod


Sa kabuuan, ang gluten intolerance ay hypersensitivity sa gluten na matatagpuan sa ilang pagkain. Maaari itong makontrol sa pamamagitan ng tamang kaalaman, kamalayan, at pag-aayos ng diet. Sa kabutihang-palad, maraming mapagpipilian sa pagkaing Pinoy, kaya’t ang pagkakaroon ng gluten intolerance ay hindi nangangahulugang kailangan nang isuko ang masarap na pagkain. Para sa mas tiyak na payo, mabuting kumonsulta sa ating mga doktor at dietitian.




References


  1. Sandhya Pruthi, M.D., et al. (2024). Nutrition and healthy eating: Gluten-free diet. Mayo Clinic. https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/gluten-free-diet/art-20048530 
  2. Reyes, K. (2021). Is gluten really bad for you? Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2021/7/20/is-gluten-really-bad-for-you 
  3. Cleveland Clinic. (2021). Gluten intolerance. Cleveland Clinic. Retrieved from https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21622-gluten-intolerance 
  4. Sharon, T. (2023). Celiac disease vs gluten intolerance: Mayo Clinic Healthcare expert explains the difference. Mayo Clinic News Network. https://newsnetwork.mayoclinic.org/discussion/coeliac-disease-vs-gluten-intolerance-mayo-clinic-healthcare-expert-explains-the-difference/#:~:text=Gluten%20is%20a%20protein%20found,serious%20coeliac%20disease%2C%20he%20adds  
  5. Panoff, L. (2023). The most common signs of gluten intolerance. Healthline. https://www.healthline.com/nutrition/signs-you-are-gluten-intolerant 
  6. Gaas, M. (2025). Everything you need to know about gluten. National Nutrition Council, Department of Health, Philippines. https://nnc.gov.ph/mindanao-region/everything-you-need-to-know-about-gluten/#:~:text=Most%20sources%2C%20according%20to%20Adda,to%20avoid%20harmful%2C%20adverse%20reactions
  7. Mayo Clinic. (2025). Celiac Disease. Mayo Clinic. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/celiac-disease/symptoms-causes/syc-20352220#:~:text=Is%20pale.,below%20and%20resubmit%20the%20form
  8. NHS. (2023). Coeliac disease. NHS. https://www.nhs.uk/conditions/coeliac-disease/diagnosis/




Related Product







 
 
 

Comments


Shop Now
for Premium Supplements

Fuel Your Daily Wellness

image.png
Asset 1.png
image.png
bottom of page