Dairy Drama: Bakit Madalas Sumakit ang Tiyan ng Pinoy sa Gatas?
Updated: Aug 5

Sa gitna ng kasikatan ng mga milk tea at dairy foods, marami ang dumaranas ng sakit ng tiyan at kabag dahil sa lactose intolerance.
Sa Maynila man o probinsya, parang kabuteng nagsulputan ang mga milk tea at coffee shop — halos kasing dami na ng sari-sari store. Dagdag pa ang cheesy pizza, creamy pasta, at kung anu-ano pang meryenda na masarap dahil may gatas o keso. Dairy is everywhere. Pero habang lumalago ang ating “milky” lifestyle, marami rin ang nasisira ang araw dahil sa kabag, cramps, at biglaang pagtakbo sa kalapit na banyo. Ang madalas na bida-kontrabida? Lactose intolerance.
Lactose 101: Ang Enzyme na MIA
Ang Lactose intolerance ay nangyayari kapag kulang ang katawan mo sa lactase, ang enzyme na taga-digest ng lactose — ang natural na asukal sa gatas. Kapag wala nito, diretso sa bituka ang lactose, at doon, ang bacteria ang “kumakain” nito. Resulta? Gas, bloating, diarrhea—at minsan parang may mini-zumba sa iyong tiyan.
At huwag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa. Studies show na halos 45% ng mga Pilipino ay lactose intolerant (Ilarde et al., 2002). At sa buong Asia? Umaabot pa nga sa 80–90% (Malik, 2023).

Bakit karaniwan sa mga Pinoy?
Simple lang — hindi naman dairy-based ang diet ng mga ninuno natin. Kanin, gulay, at isda ang staples, hindi gatas at keso. Kaya ngayon, habang dumadami ang dairy sa modern diet, mas kapansin pansin ang mga sintomas.
Tiyan vs. Gatas: Ang Labanan
Kabag? Check. Cramps? Check. Madalas na utot at watery stools? Double check. Minsan may kasamang hilo o pagsusuka. Pero tandaan: hindi lahat pareho ang tolerance. Maaaring kayanin ng isa ang slice ng keso, habang ang isa naman ay sumasakit agad ang tiyan kahit isang lagok ng fresh milk lang.
Milk Allergy ≠ Lactose Intolerance
Magkaiba sila, promise. Ang milk allergy ay immune system drama—puwedeng magdulot ng rashes, pamamaga, o pagsikip ng daluyan ng hangin. Ang lactose intolerance, meanwhile, ay more of digestive system issue—kabag at diarrhea lang usually. Hindi life-threatening, pero definitely life-disrupting.

Hindi “Goodbye Dairy,” Kundi “Hello Diskarte”
Kung may lactose intolerance ka, hindi ibig sabihin na tapos na ang love story mo sa milk tea o pizza. May paraan para mag-adjust: piliin ang lactose-free milk (available na sa grocery), yogurt at fermented dairy (mas madaling i-digest), o gumamit ng lactase enzyme supplements bago mag-dairy meal.
At huwag kalimutan, hindi lang gatas ang source ng calcium. Malunggay sa tinola, pechay sa nilaga, pati sardinas at dilis na kinakain kasama ang buto — lahat yan calcium-packed. Kung gusto mo pa ng alternative, may soy, almond, at oat milk na fortified with calcium.
Kailan dapat tawagin si Doc?
Kung kahit binawasan na ang dairy ay hindi pa rin humuhupa ang sintomas, baka may ibang dahilan. Kung may palatandaan ng nutritional deficiency gaya ng pamumutla at panghihina, kailangan ding magpasuri. At para sa mga bata, kung mabagal ang paglaki at laging may abdominal symptoms, mas lalo nang dapat magpatingin.

The Bottom Line: Dairy with Care-y
Good news — hindi kailangan maging “milk-less” para maging stress-free. Puwede pa ring mag-milk tea date, kumain ng cheesy overload pizza, o mag-ice cream paminsan-minsan — basta may tamang portion, timing, at choices. Sa huli, hindi bawal ang dairy, basta alam mo ang limitasyon ng tiyan mo. Kaya relax lang beh — huwag hayaang ang tiyan ang pumigil sa iyong happiness!
References
Ilarde, D. M., Ludan, A. C., & Santos-Ocampo, P. D. (n.d.). Lactose intolerance in asymptomatic Filipino children. Journal of the Manila Medical Society. Retrieved from https://www.herdin.ph/index.php?cid=23208&view=research.
Malik, T. F. (2023). Lactose intolerance. In StatPearls. StatPearls Publishing. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK532285/
National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases. (2025, September 1). Definition & facts for lactose intolerance. U.S. Department of Health and Human Services. https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/lactose-intolerance/definition-facts









Comments